Ang Awit 6

Pumunta ako sa taniman ng almendra upang tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at upang tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na.

Song of Solomon 6:11 (UKJV) I went down into the garden of nuts to see the fruits of the valley, and to see whether the vine flourished and the pomegranates budded.

9nag-iisa lamang ang aking sinisinta. Ang aking kalapati ay walang kapintasan, nag-iisa at itinatanging anak na babae ng kanyang ina. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya.

10Sino ba itong dumarating na tulad ng bukang-liwayway, singganda ng buwan, singliwanag ng araw, at kamangha-manghang tulad ng mga pumaparadang bituin?

11Pumunta ako sa taniman ng almendra upang tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at upang tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na.

12Hindi ko namalayan, ako palaʼy nandoon na sa maharlikang higaan kasama ang aking mahal.

13Bumalik ka, dalagang taga-Shulam, bumalik ka upang ikaw ay aming pagmasdan. Bakit gusto ninyong pagmasdan ang dalaga ng Shulam na sumasayaw sa gitna ng mga manonood?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.