Ang Awit 7

Ang ulo moʼy kasingganda ng Bundok ng Carmel. Ang buhok moʼy kasingkintab ng mga maharlikang kasuotan at ang hariʼy nabihag sa taglay nitong kagandahan.

Song of Solomon 7:5 (UKJV) Yours head upon you is like Carmel, and the hair of yours head like purple; the king is held in the galleries.

3Ang dibdib moʼy tila kambal na batang usa.

4Ang leeg moʼy parang tore na gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinlinaw ng batis sa Hesbon, malapit sa pintuang-bayan ng Bet-rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco.

5Ang ulo moʼy kasingganda ng Bundok ng Carmel. Ang buhok moʼy kasingkintab ng mga maharlikang kasuotan at ang hariʼy nabihag sa taglay nitong kagandahan.

6O napakaganda mo, aking sinta, umaapaw ka sa kariktan.

7Ang tindig moʼy parang puno ng palma at ang dibdib moʼy parang kumpol ng mga bunga nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.