Ang Awit 7

Ang leeg moʼy parang tore na gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinlinaw ng batis sa Hesbon, malapit sa pintuang-bayan ng Bet-rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco.

Song of Solomon 7:4 (UKJV) Your neck is as a tower of ivory; yours eyes like the pool in Heshbon, by the gate of Bathrabbim: your nose is as the tower of Lebanon which looks toward Damascus.

2Ang pusod moʼy kasimbilog ng kopa na hindi nauubusan ng hinalong alak. Ang baywang moʼy bigkis ng trigo na napapalibutan ng liryo.

3Ang dibdib moʼy tila kambal na batang usa.

4Ang leeg moʼy parang tore na gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinlinaw ng batis sa Hesbon, malapit sa pintuang-bayan ng Bet-rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco.

5Ang ulo moʼy kasingganda ng Bundok ng Carmel. Ang buhok moʼy kasingkintab ng mga maharlikang kasuotan at ang hariʼy nabihag sa taglay nitong kagandahan.

6O napakaganda mo, aking sinta, umaapaw ka sa kariktan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.