Ang Awit 8

May ubasan si Solomon sa Baal-hamon na kanyang pinauupahan sa mga magsasaka roon. Bawat isa sa kanilaʼy nagbibigay sa kanya ng isang libong piraso ng pilak bilang parte niya sa ubasan.

Song of Solomon 8:11 (UKJV) Solomon had a vineyard at Baalhamon; he let out the vineyard unto keepers; every one for the fruit thereof was to bring a thousand pieces of silver.

9Siya ba ay tulad ng isang pader? Magtatayo kami ng mga tore ng pilak sa ibabaw niya. Siya ba ay tulad ng isang pinto? Babarikadahan namin siya ng tablang sedro.

10Ako ngaʼy isang pader, at ang dibdib koʼy parang mga tore. Kaya sa paningin ng aking mahal pinapanatag ko siya.

11May ubasan si Solomon sa Baal-hamon na kanyang pinauupahan sa mga magsasaka roon. Bawat isa sa kanilaʼy nagbibigay sa kanya ng isang libong piraso ng pilak bilang parte niya sa ubasan.

12Ikaw ang bahala Solomon, kung ang parte mo ay isang libong piraso ng pilak at ang parte ng mga magsasaka ay dalawandaang piraso ng pilak. Ngunit ako na ang bahala sa sarili kong ubasan.

13O irog kong namamasyal sa hardin, mabuti pa ang mga kaibigan mo, naririnig nila ang iyong tinig. Iparinig mo rin ito sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.