Ang Awit 8

Ikaw ang bahala Solomon, kung ang parte mo ay isang libong piraso ng pilak at ang parte ng mga magsasaka ay dalawandaang piraso ng pilak. Ngunit ako na ang bahala sa sarili kong ubasan.

Song of Solomon 8:12 (UKJV) My vineyard, which is mine, is before me: you, O Solomon, must have a thousand, and those that keep the fruit thereof two hundred.

10Ako ngaʼy isang pader, at ang dibdib koʼy parang mga tore. Kaya sa paningin ng aking mahal pinapanatag ko siya.

11May ubasan si Solomon sa Baal-hamon na kanyang pinauupahan sa mga magsasaka roon. Bawat isa sa kanilaʼy nagbibigay sa kanya ng isang libong piraso ng pilak bilang parte niya sa ubasan.

12Ikaw ang bahala Solomon, kung ang parte mo ay isang libong piraso ng pilak at ang parte ng mga magsasaka ay dalawandaang piraso ng pilak. Ngunit ako na ang bahala sa sarili kong ubasan.

13O irog kong namamasyal sa hardin, mabuti pa ang mga kaibigan mo, naririnig nila ang iyong tinig. Iparinig mo rin ito sa akin.

14Halika, aking mahal. Tumakbo ka nang mabilis gaya ng usa sa kabundukan na punong-puno ng mga halamang ginagawang pabango.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.