Ang Awit 8

Dadalhin kita sa bahay ng aking ina, kung saan akoʼy tinuruan niya. Paiinumin kita ng mabangong alak na mula sa katas ng aking mga pomegranata.

Song of Solomon 8:2 (UKJV) I would lead you, and bring you into my mother's house, who would instruct me: I would cause you to drink of spiced wine of the juice of my pomegranate.

1Kung naging kapatid lamang sana kita, na pinasuso ng aking ina, hahalikan kita saanman tayo magkita, at hindi nila ako pag-iisipan ng masama.

2Dadalhin kita sa bahay ng aking ina, kung saan akoʼy tinuruan niya. Paiinumin kita ng mabangong alak na mula sa katas ng aking mga pomegranata.

3Nasa ilalim ng ulo ko ang kaliwang bisig mo, at ang kanang bisig mo namaʼy niyayakap ako.

4Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo na hindi ninyo hahayaan na ang pag-ibig ay umusbong hanggaʼt hindi pa dumarating ang tamang panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.