Ang Awit 4

Ang dibdib moʼy kasintikas ng tindig ng kambal na batang usa na nanginginain sa gitna ng mga liryo.

Song of Solomon 4:5 (UKJV) Your two breasts are like two young roes that are twins, which feed among the lilies.

3Ang mga labi moʼy parang pulang laso, tunay ngang napakaganda. Ang mga pisngi mong natatakpan ng beloʼy mamula-mula na parang bunga ng pomegranata.

4Ang leeg moʼy kasingganda ng tore ni David. Napapalamutian ng kuwintas na tila isang libong kalasag ng mga kawal.

5Ang dibdib moʼy kasintikas ng tindig ng kambal na batang usa na nanginginain sa gitna ng mga liryo.

6Bago magbukang-liwayway at bago mawala ang dilim, ako ay tutungo sa bundok na pinabango ng mira, sa burol na pinabango ng insenso.

7O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.