15Anak, huwag kang sumáma sa kanila; iwasan mo sila.
16Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.
17Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin.
18Ngunit ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.
19Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.