Mga Kawikaan 10

Ang salita ng taong matuwid ay makakatulong sa buhay ng iba, ngunit ang mga salita ng taong masama ay makapipinsala.

Proverbs 10:11 (UKJV) The mouth of a righteous man is a well of life: but violence covers the mouth of the wicked.

9May kapayapaan ang taong namumuhay nang matuwid, ngunit ang masama ang pamumuhay ay malalantad.

10Ang taong mandaraya ay gulo ang nililikha at ang taong nagsasalita ng kamangmangan ay mapapahamak.

11Ang salita ng taong matuwid ay makakatulong sa buhay ng iba, ngunit ang mga salita ng taong masama ay makapipinsala.

12Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.

13Nagsasalita ng karunungan ang taong may pang-unawa, ngunit ang walang pang-unawa ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.