Mga Kawikaan 10

Ang kinatatakutan ng taong masama ay mangyayari sa kanya, ang hinahangad naman ng taong matuwid ay kanyang makakamit.

Proverbs 10:24 (UKJV) The fear of the wicked, it shall come upon him: but the desire of the righteous shall be granted.

22Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman at hindi niya ito dinadagdagan ng anumang kalungkutan.

23Ang kaligayahan ng hangal ay ang paggawa ng kasamaan, ngunit ang kaligayahan nang nakakaunawa ay ang mamuhay nang may karunungan.

24Ang kinatatakutan ng taong masama ay mangyayari sa kanya, ang hinahangad naman ng taong matuwid ay kanyang makakamit.

25Kapag dumating ang mga bagyo sa buhay, tatangayin ang mga masasama, subalit mananatiling matatag ang mga matutuwid magpakailanman.

26Tulad ng sukang nakakangilo at usok na nakakaluha, ganyan ang tamad sa nagpadala sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.