Mga Kawikaan 2

Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama.

Proverbs 2:12 (UKJV) To deliver you from the way of the evil man, from the man that speaks perverse things;

10Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan.

11Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.

12Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama.

13Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman.

14Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.