Mga Kawikaan 20

Marami ang nagsasabing sila ay tapat, ngunit ang totooʼy mahirap makahanap ng taong tunay na mapagkakatiwalaan?

Proverbs 20:6 (UKJV) Most men will proclaim every one his own goodness: but a faithful man who can find?

4Ang taong tamad mag-araro sa panahon ng pagtatanim ay walang makukuha pagdating ng anihan.

5Ang isipan ng tao ay tulad ng tubig sa balong malalim, kaya itong igibin ng taong marunong.

6Marami ang nagsasabing sila ay tapat, ngunit ang totooʼy mahirap makahanap ng taong tunay na mapagkakatiwalaan?

7Ang taong matuwid ay walang kapintasan. Mapalad ang mga anak niya kung siya ang kanilang tinutularan.

8Kapag ang hari ay humahatol, tinitiyak muna niya kung sino ang gumawa ng masama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.