10Ang masasamâ ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.
11Kapag ang manunuya ay pinarusahan mo, ang mga wala sa katinuan ay matututo. Kapag ang marunong naman ang tinuruan mo, lalo siyang magiging matalino.
12Alam ng matuwid na Diyos kung ano ang ginagawa ng sambahayan ng masasamâ, at parurusahan niya sila.
13Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.
14Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo, mawawala iyon sa palihim na regalo.