7Ang karahasan ng masasamâ ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.
8Hindi matuwid ang gawain ng taong may kasalanan, ngunit matuwid ang gawain ng taong walang kasalanan.
9Mas mabuti pang tumirang mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama ay asawang palaaway.
10Ang masasamâ ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.
11Kapag ang manunuya ay pinarusahan mo, ang mga wala sa katinuan ay matututo. Kapag ang marunong naman ang tinuruan mo, lalo siyang magiging matalino.