Mga Kawikaan 29

Kung ang paghatol ng isang hari sa mahihirap ay makatarungan, ang paghahari niyaʼy magiging matatag magpakailanman.

Proverbs 29:14 (UKJV) The king that faithfully judges the poor, his throne shall be established for ever.

12Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaʼy mabubuyo sa kasamaan.

13Ang mahirap at ang mapang-api ay parehong binigyan ng Panginoon ng paningin.

14Kung ang paghatol ng isang hari sa mahihirap ay makatarungan, ang paghahari niyaʼy magiging matatag magpakailanman.

15Ang pagpalo at pagsaway sa bata upang siyaʼy ituwid ay magtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung siya ay pababayaan, ipapahiya niya ang kanyang ina.

16Kapag masama ang namumuno, nadadagdagan ang kasamaan. Ngunit sila ay mapapahamak at makikita ito ng mga matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.