3Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itatak sa iyong isipan.
4Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Diyos pati na ang mga tao.
5Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
6Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
7Huwag mong isiping napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.