27Masipag siya, at inaalagaang mabuti ang kanyang pamilya.
28Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi,
29“Maraming mga babae ang mahuhusay, subalit sa iyo ay walang makapapantay.”
30Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon ay dapat purihin.
31Dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawang kabutihan at parangalan sa karamihan.