16Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.
17Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.
18Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal.
19Ngunit ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
20Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.