32Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan. Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.
33Masasaktan at mapapahiya siya at hindi maaalis habambuhay ang kahihiyan niya.
34Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalit at maghihiganti siya nang walang awa.
35Kahit magkano pa ang ibayad, hindi niya ito tatanggapin.