Mga Kawikaan 7

Lumalakad siya patungo sa kanto kung saan naroroon ang bahay ng isang masamang babae.

Proverbs 7:8 (UKJV) Passing through the street near her corner; and he went the way to her house,

6Sa bintana ng aking bahay dumungaw ako sa kurtina.

7Nakita ko ang mga kabataang lalaki na wala pang muwang sa buhay. Isa sa kanila ay salat sa karunungan.

8Lumalakad siya patungo sa kanto kung saan naroroon ang bahay ng isang masamang babae.

9Takip-silim na noon at malapit nang dumilim.

10Sinalubong siya ng isang babaeng ang suot ay katulad ng suot ng isang babaeng bayaran. Nakapagplano na siya ng gagawin sa lalaking iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.