Mga Kawikaan 9

Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Diyos ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Proverbs 9:10 (UKJV) The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding.

8Kaya huwag mong sasawayin ang taong nangungutya, sapagkat magagalit siya sa iyo. Sawayin mo ang taong marunong at mamahalin ka niya.

9Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.

10Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Diyos ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

11Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay.

12Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.