Mga Kawikaan 9

At inutusan niya ang kanyang mga katulong na babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan upang manawagan:

Proverbs 9:3 (UKJV) She has sent forth her maidens: she cries upon the highest places of the city,

1Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi.

2Pagkatapos, nagdaos siya ng isang malaking piging. Naghanda siya ng mga pagkain at inumin.

3At inutusan niya ang kanyang mga katulong na babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan upang manawagan:

4“Kayong mga walang muwang, halikayo sa aking tahanan!” Sinabi niya sa mga wala sa katinuan,

5“Pumarito kayo at kumain ng aking inihanda, uminom kayo ng alak na aking tinimpla.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.