Mga Kawikaan 1

Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,

Proverbs 1:23 (UKJV) Turn you at my reproof: behold, I will pour out my spirit unto you, I will make known my words unto you.

21Nilalakasan niya ang kanyang boses sa plasa at sa pintuang-bayan at nagsasabing:

22“Kayong mga walang alam, hanggang kailan kayo mananatiling ganyan? Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya? Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?

23Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,

24sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,

25at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.