28“Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.
29Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.
30Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.
31Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at ng mga binabalak nʼyong masama.
32Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong wala sa katinuan ang papatay sa kanila, at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.