26Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo,
27kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo.
28“Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.
29Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.
30Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.