24sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,
25at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway.
26Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo,
27kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo.
28“Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.