Mga Kawikaan 1

dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

Proverbs 1:9 (UKJV) For they shall be an ornament of grace unto your head, and chains about your neck.

7Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan.

8Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,

9dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

10Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.

11Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.