Mga Kawikaan 1

Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.

Proverbs 1:10 (UKJV) My son, if sinners entice you, consent you not.

8Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,

9dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

10Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.

11Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente.

12Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.