10Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.
11Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente.
12Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay.
13Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam.
14Sige na, sumáma ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”