12Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay.
13Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam.
14Sige na, sumáma ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”
15Anak, huwag kang sumáma sa kanila; iwasan mo sila.
16Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.