Mga Kawikaan 10

Ang pagsunod sa pamamaraan ng Panginoon ay kanlungan ng matuwid, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak.

Proverbs 10:29 (UKJV) The way of the LORD is strength to the upright: but destruction shall be to the workers of iniquity.

27Ang may paggalang sa Panginoon ay hahaba ang buhay, ngunit ang taong masama ay iikli ang buhay.

28Ang pag-asa ng matuwid ay magbibigay ng kaligayahan, ngunit ang pag-asa ng masama ay walang katuparan.

29Ang pagsunod sa pamamaraan ng Panginoon ay kanlungan ng matuwid, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak.

30Ang matuwid ay hindi gagambalain sa kanyang lupain, ngunit ang masama ay palalayasin.

31Ang bibig ng matuwid ay puno ng karunungan, ngunit ang dila ng sinungaling ay puputulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.