Mga Kawikaan 11

Ang taong walang pang-unawa ay kinukutya ang kapwa, ngunit ang taong may pang-unawa ay hindi nangungutya.

Proverbs 11:12 (UKJV) He that is void of wisdom despises his neighbour: but a man of understanding holds his peace.

10Kapag ang matuwid ay pinagpapala, mga taoʼy sumisigaw sa tuwa. At kapag ang masama ay napapahamak ganoon din ang kanilang ginagawa.

11Umuunlad ang isang bayan sa pagpapala ng mga mamamayang matuwid, subalit nawawasak ito sa pamamagitan ng salita ng masama.

12Ang taong walang pang-unawa ay kinukutya ang kapwa, ngunit ang taong may pang-unawa ay hindi nangungutya.

13Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago nito.

14Kung walang gumagabay, babagsak ang bansa, ngunit tiyak ang kaligtasan kung maraming tagapayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.