Mga Kawikaan 14

Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.

Proverbs 14:2 (UKJV) He that walks in his uprightness fears the LORD: but he that is perverse in his ways despises him.

1Ang matalinong babaeʼy pinapatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babaeʼy sinisira ang sarili niyang tahanan.

2Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.

3Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya.

4Kapag walang alagang baka, walang laman ang sabsaban, ngunit sa lakas ng baka nagkakaroon ng masaganang ani.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.