11Kung alam ng Panginoon ang nangyayari sa daigdig ng mga patay, lalo namang alam niya ang nasa puso ng mga taong buháy.
12Ang taong nangungutya ay minamasama ang pagsaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.
13Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot.
14Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang taong hangal ay naghahangad pa ng kahangalan.
15Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makukuntento lang sila ay palagi silang magiging masaya.