Mga Kawikaan 15

Ang taong nangungutya ay minamasama ang pagsaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.

Proverbs 15:12 (UKJV) A scorner loves not one that reproves him: neither will he go unto the wise.

10Minamasama ng taong naliligaw ng landas kapag itinutuwid siya. Ang taong umaayaw sa mga pagtutuwid ay mamamatay.

11Kung alam ng Panginoon ang nangyayari sa daigdig ng mga patay, lalo namang alam niya ang nasa puso ng mga taong buháy.

12Ang taong nangungutya ay minamasama ang pagsaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.

13Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot.

14Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang taong hangal ay naghahangad pa ng kahangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.