14Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang taong hangal ay naghahangad pa ng kahangalan.
15Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makukuntento lang sila ay palagi silang magiging masaya.
16Mas mabuti pang maging mahirap na may takot sa Panginoon, kaysa maging mayaman na ang buhay ay puno ng kaguluhan.
17Mas mabuti pa ang mag-ulam ng kahit gulay lang ngunit may pagmamahalan, kaysa sa mag-ulam ng pinatabang guya ngunit may alitan.
18Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.