18Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.
19Ang daanan ng tamad ay puno ng dawag, ngunit ang daanan ng matuwid ay malinis na kalsada.
20Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.
21Ang taong walang isip ay nagagalak sa kahangalan, ngunit ang taong may pang-unawa ay namumuhay sa katuwiran.
22Nabibigo ang plano kapag walang nagpapayo, ngunit kapag maraming tagapayo, magtatagumpay ang mga ito.