Mga Kawikaan 15

Ang daan patungo sa buhay ang sinusundan ng taong maalam at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan.

Proverbs 15:24 (UKJV) The way of life is above to the wise, that he may depart from hell beneath.

22Nabibigo ang plano kapag walang nagpapayo, ngunit kapag maraming tagapayo, magtatagumpay ang mga ito.

23Nagagalak ang tao kapag akma ang sagot niya. Mas nagagalak siya kung nakakasagot siya sa tamang pagkakataon.

24Ang daan patungo sa buhay ang sinusundan ng taong maalam at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan.

25Wawasakin ng Panginoon ang bahay ng hambog, ngunit iingatan niya ang lupain ng biyuda.

26Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.