26Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso.
27Ang taong yumaman sa masamang paraan ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang sambahayan. Mabubuhay naman nang matagal ang taong hindi nasusuhulan.
28Ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna ang sasabihin, ngunit ang taong masama ay basta na lamang nagsasalita.
29Malayo ang Panginoon sa masasamâ, ngunit malapit siya sa matutuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.
30Ang masayang mukha ay nagbibigay ng tuwa at nagpapasigla ang magandang balita.