Mga Kawikaan 15

Malayo ang Panginoon sa masasamâ, ngunit malapit siya sa matutuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.

Proverbs 15:29 (UKJV) The LORD is far from the wicked: but he hears the prayer of the righteous.

27Ang taong yumaman sa masamang paraan ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang sambahayan. Mabubuhay naman nang matagal ang taong hindi nasusuhulan.

28Ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna ang sasabihin, ngunit ang taong masama ay basta na lamang nagsasalita.

29Malayo ang Panginoon sa masasamâ, ngunit malapit siya sa matutuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.

30Ang masayang mukha ay nagbibigay ng tuwa at nagpapasigla ang magandang balita.

31Ang taong nakikinig sa mga turo ng buhay ay maibibilang sa mga marurunong.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.