Mga Kawikaan 16

Kapag ang hari ay ngumingiti, katumbas nito ay buhay. Kapag ang hari ay nalulugod, katulad nitoʼy ulan sa tagsibol.

Proverbs 16:15 (UKJV) In the light of the king's countenance is life; and his favour is as a cloud of the latter rain.

13Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan.

14Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong matalino na malugod ang hari.

15Kapag ang hari ay ngumingiti, katumbas nito ay buhay. Kapag ang hari ay nalulugod, katulad nitoʼy ulan sa tagsibol.

16Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

17Ang daan ng matuwid ay lumilihis sa kasamaan; silang maingat sa kanilang landas ay naililigtas ang kanilang buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.