Mga Kawikaan 16

Ang gutom ng mga manggagawa ang dahilan ng kanilang pagsisikap, ito ang nagtutulak upang silaʼy magtrabaho.

Proverbs 16:26 (UKJV) He that labours labours for himself; for his mouth craves it of him.

24Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan.

25Maaaring iniisip mo na ikaw ay nasa tamang daan, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.

26Ang gutom ng mga manggagawa ang dahilan ng kanilang pagsisikap, ito ang nagtutulak upang silaʼy magtrabaho.

27Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso.

28Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.