Mga Kawikaan 16

Mas mabuti pa ang kaunting halaga na kinita sa matuwid na paraan, kaysa sa malaking halaga na kinita nang hindi makatarungan.

Proverbs 16:8 (UKJV) Better is a little with righteousness than great revenues without right.

6Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makakalayo tayo sa kasamaan.

7Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.

8Mas mabuti pa ang kaunting halaga na kinita sa matuwid na paraan, kaysa sa malaking halaga na kinita nang hindi makatarungan.

9Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

10Ang haring pinapatnubayan ng karunungan ng Panginoon, ay palaging tama ang paghatol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.