17Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkakaroon tayo ng kapatid para sa kagipitan ay tumulong.
18Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan.
19Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay daranas ng kasawian.
21Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang.