11Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan tulad ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.
12Ang pagmamataas ng tao ang magpapahamak sa kanya, ngunit ang pagpapakumbaba ang magpaparangal sa kanya.
13Hangal at kahiya-hiya ang taong sumasagot sa usapan nang hindi muna nakikinig.
14Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makakatulong pa sa kanya.
15Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.