Mga Kawikaan 19

Ang karunungan ng isang tao ay nagbubunga ng kahinahunan; ang pagbabalewala sa kasalanan ng iba ay karangalan niya.

Proverbs 19:11 (UKJV) The discretion of a man defers his anger; and it is his glory to pass over a transgression.

9Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak.

10Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno.

11Ang karunungan ng isang tao ay nagbubunga ng kahinahunan; ang pagbabalewala sa kasalanan ng iba ay karangalan niya.

12Ang galit ng hari ay parang atungal ng leon, ngunit ang kanyang kabutihan ay tulad ng hamog na bumabasa sa mga halaman.

13Ang anak na hangal ay kapahamakan sa kanyang ama. Ang bungangerang asawa ay tulad ng tulo na walang tigil.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.