Mga Kawikaan 19

Ang tumutulong sa mahirap ay parang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa kabutihang ginawa niya.

Proverbs 19:17 (UKJV) He that has pity upon the poor lends unto the LORD; and that which he has given will he pay him again.

15Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka.

16Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa kautusan, ngunit ang suwail ay hahantong sa kamatayan.

17Ang tumutulong sa mahirap ay parang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa kabutihang ginawa niya.

18Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon pa. Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.

19Hayaan mong maparusahan ang taong magagalitin, dahil kapag tinulungan mo siya nang minsan, paulit-ulit mo lang siyang tutulungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.