Mga Kawikaan 19

Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa kautusan, ngunit ang suwail ay hahantong sa kamatayan.

Proverbs 19:16 (UKJV) He that keeps the commandment keeps his own soul; but he that despises his ways shall die.

14Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang Panginoon lang ang nagbibigay ng maalam na asawa.

15Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka.

16Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa kautusan, ngunit ang suwail ay hahantong sa kamatayan.

17Ang tumutulong sa mahirap ay parang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa kabutihang ginawa niya.

18Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon pa. Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.