Mga Kawikaan 19

Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral upang maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.

Proverbs 19:27 (UKJV) Cease, my son, to hear the instruction that causes to go astray from the words of knowledge.

25Parusahan mo ang mapanuya upang matutong mag-ingat ang wala sa katinuan. Pagsabihan mo ang may unawa at lalo siyang magiging marunong.

26Sinumang nagmamalupit sa kanyang ama o di kayaʼy nagpapalayas sa kanyang ina ay isang anak na sumisira sa kanyang pangalan at nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.

27Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral upang maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.

28Ang saksing sinungaling ay humahamak sa katarungan, at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.

29Sa mga mapanuya ay may hatol na nakalaan, at hagupit naman ang nakahanda para sa mga hangal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.