Mga Kawikaan 21

Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito nang may layuning masama.

Proverbs 21:27 (UKJV) The sacrifice of the wicked is abomination: how much more, when he brings it with a wicked mind?

25Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.

26Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.

27Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito nang may layuning masama.

28Patitigilin sa pagsasalita ang saksing bulaan, ngunit ang saksing nagsasabi ng totoo ay pakikinggan.

29Ang taong masama ay hindi pinag-iisipan ang kanyang ginagawa, ngunit ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna nang mabuti ang kanyang ginagawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.